Sinimulan na ng Department of agriculture (DA) kasama ang iba pang concerned government agencies ang maigting na monitoring sa paggalaw ng presyo ng mga produktong pang-agrikultura sa mga palengke.
Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang pagsipa ng presyo ng mga produktong pagkain sa kasagsagan ng Christmas season.
Ayon kay Bureau of Plant Industry director Glenn Panganiban, nakikipagtulungan ang agribusiness and marketing assistance service o AMAS ng DA sa Department of Trade and Industry at Department of the Interior and Local Government para matiyak na nasusuri ang mga pagtaas sa presyo ng pangunahing mga bilihin sa kasagsagan ng Ber months.
Maliban sa inaasahang mataas na demand sa nasabing produkto tuwing holiday season, maaaring makaapekto din ang mga bagyo sa presyo.
Sa kabila nito, tiniyak ng DA official na gumagawa na sila ng hakbang para mapataas ang produksiyon ng pagkain hindi lamang ng palay kundi maging sa iba pang high value crops.