-- Advertisements --
Sinimulan na ng Department of Agriculture ang paggalugad sa mga palengke upang masiguro na tama ang presyo at sapat ang suplay ng mga agricultural products sa mga pamilihan.
Ito ay sa pangunguna ni DA Undersecretary for Operations Roger Navarro.
Una nilang pinuntahan ang Mega Q-Mart at Kamuning Public Market sa Quezon City.
Sa kanilang pag-inspeksyon sinabi ni Navarro na sapat naman ang suplay ng karne, poultry products, gulay at isda.
Dagdag pa niya na makikipag-usap siya sa ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng National Price Coordinating Council.
Para matiyak ang presyo ng mga bilihin kung saan manatiling stable at hindi babaha ng mga imported products sa mga pamilihan upang hindi maapektuhan ang hanapbuhay ng ating mga magsasaka.