-- Advertisements --
Nakatakdang bawasan ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng bigas na ibinebenta sa mga Kadiwa stores.
Ayon sa DA na magsisimula ngayong Pebrero 12 ang price reduction para sa kanilang Rice-for-All (RFA)program.
Nakikita kasi ng DA na tuluyan ng bababa ang presyo ng bigas lalo na at paparating na ang panahon ng anihan. Dagdag pa ni Agriculture Secretary Francisco Laurel na maaaring magbawas ng hanggang P3 sa kada kilo ng bigas.
Paglilinaw niya na magpapatuloy pa rin na makakabili ng tig-P29 sa kada kilo ng bigas ang mga vulnerable groups gaya ng mga senior citizens, persons with disabilities, solo parents at mga indibidwals mula sa indigent sectors.