-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang hakbang ng Department of Agriculture para matiyak na nasusunod ang Maximum Suggested Retail Price na ipinapatupad nito para sa mga imported na bigas na ibinebenta sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Ayon sa ahensya, mas mahigpit nilang ipatutupad ang naturang kautusan sa susunod na linggo.

Kaugnay nito ay muling pinaalalahanan ng DA ang mga retailer na sumunod sa pinaiiral na Maximum Suggested Retail Price upang hindi maharap sa kaukulang parusa.

Batay kasi sa isinagawang monitoring ng mga tauhan nito, may ilang merkado pa rin sa NCR ang nagbebenta ng lagpas sa itinakdang ₱58 kada kilong MSRP.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DA Assistant Secretary Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra, sa ngayon kasi ay hindi pa mahigpit ang kanilang ahensya sa mga retailers na hindi sumusunod.

Ilan kasi sa mga retailers ay pinapaubos pa ang mga natitirang stocks ng bigas na kanilang nabili bago ang paglalabas ng nasabing polisiya.