Gumagawa na ng mga kaukulang hakbang ang Department of Agriculture (DA) para matugunan ang manipis na suplay ng luya na nagresulta sa mataas na suplay nito.
Base kasi sa data, lumalabas na ang local demand ay nasa 130,000 metrikong tonelada subalit tanging nasa 2% lamang ang lokal na produksiyon ayon kay Agriculture Sec. Ching Caballero.
Maliban din kasi sa household use ng luya bilang rekado, ginagamit din ito para sa processing.
Kaugnay nito, minomonitor na nila ang volume o dami ng ginagamit para sa household consumption at para sa processing.
Batay sa pinakahuling price monitoring ng DA, ang presyo ng luya ay pumalo ng hanggang P280 kada kilo sa ilang palengke sa Metro Manila.
Umaabot pa nga ito sa P300 kada kilo sa ilang merkado sa rehiyon sa nakalipas na 2 linggo.
Para naman matugunan ang manipis na suplay, tinitignan na ngayon ng DA ang mga lugar malapit sa Metro Manila na mayroong available na suplay ng luya.
Para naman maiwasang mangayri muli ito sa hinaharap, pinagsisikapan na ng DA na pataasin pa ang produksiyon ng luya.