-- Advertisements --
Sisimulan ng Department of Agriculture ang kanilang African swine fever vaccination program sa Lobo, Batangas.
Ayon sa ahensya na ang nasabing lugar kasi ay itinuturing nilang ‘ground zero’ kung saan nagsimula ang ASF outbreak.
Dagdag pa ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, na ang tanging mga baboy lamang na nagnegatibo sa ASF ay siyang babakunahan para hindi na madapuan ng nasabing virus.
Magsisimula ang pagpaparehistro ng mga baboy ngayong araw.
Magugunitang nakabili na ang gobyerno ng 10,000 doses ng ASF vaccine sa pamamagitan ng emergency procurement.