-- Advertisements --
Magsisimula ngayong araw Hulyo 5 ang pagbebenta ng Department of Agriculture ng P29 sa kada kilo ng bigas dito sa Metro Manila.
Ayon DA na ang “Program 29” na magbebenta ng mga mataas na kalidad ng bigas ay mabibili sa 10 KADIWA centers sa Metro Manila at Bulacan.
Ang nasabing test run ay target ang nasa 6.9 milyon na mga mahihirap na pamilya o 35 milyon na indibidwal.
Layon ng large-scale trial ay para malaman ang supply, demand at logistics at matugunan ang susunod nilang hakbang.
Una ng sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na ang pagbebenta ng bigas ay gagawin tuwing Biyernes, Sabado at Linggo.