Sumang-ayon ang department of Agriculture at ang mga stakeholder ng industriya ng itlog na malapit nang magtulungan at makabuo ng isang panukala para sa sektor ng mga itlog ngayong linggo.
Kung matatandaan, nakipagpulong si Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa mga stakeholder ng industriya ng itlog mula sa Calabarzon at Central Luzon upang tugunan ang mga hamon na nakakaapekto sa sektor at tukuyin ang mga strategies upang matiyak ang matatag na suplay at presyo ng mga itlog.
Aniya, tutukuyin din ng naturang ahensya ang dahilan sa biglaang pagsipa ng presyo ng itlog sa ating bansa.
Dagdag dito, ayon pa sa Department of Agriculture, dapat daw ang retail price ng itlog ay naglalaro lamang sa P7 hanggang sa P7.50 ang kada piraso nito.
Noong Disyembre, ang presyo ng medium-sized eggs ay nasa P6.90 kada piraso lamang na mas mababa sa kasalukuyang retail price sa mga pamilihan.