-- Advertisements --

Siniguro ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na “stable” ang suplay ng isda.

Sa kabila na rin ito ng pananalasa ng magkakasunod na bagyong nakapinsala sa sektor ng pag-iisda.

Ayon kay DA Undersecretary for Agri-Industrialization and for Fisheries Cheryl Caballero, ang fish inventory ay na-project sa mahigit 87,000 metric tons.

Batay naman kay DA spokesperson Noel Reyes, naitala ang mahigit 4,000 metric tons pinsala sa kanilang sektor.

Ipinresenta rin ang isang infographic na nagpapakita ng overall supply ng isda na nasa 3.4-milyong metric tons kung saan 2.9-milyong metric tons dito ay mula sa local supply.