-- Advertisements --

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Agriculture ang pagtatangagal ng mga brand label sa bigas para labanan ang talamak na manipulasyon sa presyo ng bigas sa bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sadyang ginagamit ang mga naturang label ng bigas para lituhin ang mga mamimili at sadyang pataasin ang presyo ng bigas.

Dahil dito ay ipinag-utos ng kalihim ang pagtanggal sa salitang premium at special sa mga imported na bigas sa mga merkado.

Samantala, hindi kasama sa kautusang ito ang mga aning bigas ng mga magsasaka sa bansa bilang proteksyon sa kanila.

Nilinaw pa ni Laurel na ang pag import ng bigas ay isang prebilehiyo at hindi karapatan.

Dapat ay umabot lang aniya sa P6 hanggang P8 ang mark-up ng mga retailers at importers sa kada kilo ng imported na bigas.

Kabilang rin sa pinag-aaralan ng pamahalaan ay ang pagpayag sa Food Terminal Inc. na makapag import na rin ng bigas para kumpitensyahin ang mga private importer.