-- Advertisements --

Target ngayon ng pamunuan ng Department of Agriculture na gawing mas madali ang mga protocol sa mga naitatalang kaso ng African Swine Fever sa buong Pilipinas.

Ayon sa ahensya, nakatakda silang maglabas ng mga bagong polisiya hinggil sa naturang usapin.

Kabilang na dito ang pagtatanggal ng ASF color coding.

Ito ang mga kulay na itinaas nila depende sa dami ng kaso sa lugar katulad na lamang ng Red, Pink, at Yellow Zones.

Ang pagtataas kasi aniya ng ‘Red Zone’ na kategorya ay nagdudulot ng stigma.

Mas madali naman aniyang maintindihan ang paglalabas nito ng mga kategoryang ‘ASF-free’ at ‘infected sa mga lugar na may ASF o wala.

Samantala, sinabi ng ahensya na kanilang ipapatupad ang nasabing mga polisiya sa 2025.