-- Advertisements --
Target ng Department of Agriculture na ibaba sa P38-P39 per kilo ang bigas na ibinibenta sa ‘Rice-for-All’ program ng gobyerno ngayong buwan.
Sa kasalukuyan, aabot sa P40 per kilo ang benta sa well-milled rice sa ilang Kadiwa stores ng Pangulo sa Metro Manila.
Kabilang na dito ang ilang kadiwa na naka istasyon sa MRT-3 at LRT-2.
Sa isang pahayag ay sinabi ni DA Assistant Secretary and spokesperson Arnel de Mesa na patuloy ang isinagawang pagpupulong at konsultasyon sa naturang plano.
Una nang nagbenta ang ahensya ng P45 per kilo na bigas at kalaunan ay ibinaba ito sa P43.00 at P42.00.
Bago matapos ang taong 2024, inihabol pa ng ahensya ang pagpapababa sa presyo ng bigas na ibinebenta sa P40.00 per kilo.