-- Advertisements --
Kumpiyansa ang Department of Agriculture na kanilang maaabot ang single digit rice inflation sa bansa.
Layon ng ahensya na mapabagal ang galaw ng presyo ng bigas.
Ginawa ng DA ang pahayag matapos ang naging ulat ng Philippine Statistics Authority kung saan lumalabas na bumaba sa 4.7% ang inflation noong nakalipas na buwan mula sa dating 20.9% noong July.
Ayon sa pag-aaral, ito ay pinakamababang rice inflation na naitala mula pa noong nakalipas na taon.
Sa isang pahayag, sinabi naman ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na positibo ang ganitong development .
Aabot rin kasi aniya sa 25% ang kabuuang ambag ng bigas sa inflation sa Pilipinas.