Target ngayon ng Department of Agriculture na madaliin at mapabilis ang pagsasagawa ng bakunahan laban laban sa African Swine Fever.
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasunod ng datos na tumaas ang antibodies ng mga baboy na naunang binakunahan kontra sa naturang sakit sa Lobo, Batangas.
Pinag-aaralan rin ng ahensya ang apela ng mga magbababoy at swine industry sa pagkakaroon ng emergency use authorization ng ASF vaccine.
Sa isang pahayag, sinabi ni DA Asec. for Swine and Poultry Constante Palabrica na nagpapatuloy ang kanilang vaccination effort.
Sa katunayan aniya, nabakuhan na rin ang ilang baboy nitong weekend sa Lipa, Batangas.
Batay sa datos ng DA, halos isang libong baboy na ang nabakunahan kontra ASF bilang bahagi ng trial.
Ikinokonsidera rin ng kanilang ahensya ang pagbabago sa estratehiya para mapabilis ang proseso ng pagbabakuna.