Iniulat ng pamunuan ng Department of Agriculture ang plano nitong pagtatayo ng Mega cold storage sa bansa.
Layon ng panukalang ito na mabawasan ang tinatawag na post-harvest losses sa agricultural sector ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang naturang mega project ay masasakatuparan dahil sa pag-apruba ng ₱1.5-billion unprogrammed fund ng kanilang ahensya.
Ayon kay de Mesa, kanilang itatayo ay mga malalaking mega structure cold storage kabilang na ang adisyunal na modular cold storage facilities sa mga piling lugar.
Sa ganitong paraan, lalaki ang lugar ng pag-iimbakan ng mga magsasaka sa kanilang ani.
Nakatakda naman simulan ang procurement sa gagawing pasilidad sa loob ng taong ito sa oras na mailabas ang budget para dito.