-- Advertisements --
Pipilitin ng Department of Agriculture na makabili ng 600,000 African Swine Fever vaccine bago matapos ang taong ito.
Ginawa ng ahensya ang pahayag matapos na maging matagumpay ang pagpapabuka ng ahensya sa mga baboy mula sa Lobo, Batangas.
Sa halos isang buwan na bakunahan ng mga baboy sa ilang farm sa naturang lalawigan , nakabuo na kaagad ito ng mahigit 90% na anti bodies.
Una nang bumili ang ahensya ng paunang 10,000 doses ng anti-ASF vaccines sa pamamagitan ng emergency procurement .
Ipagpapatuloy rin ng ahensya ang pagbabakuna sa mga baboy sa Batangas gamit ang natitirang doses ng biniling 10,000 doses ng anti- ASF vaccines.
Bago matapos ang taon, inaasahan ng ahensya na magiging commercially available na ito sa bansa.