Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture na target ng kanilang ahensya na masimulan ang bentahan ng rice-for-all sa supermarkets sa bansa pagpasok ng buwan ng Marso ngayong taon.
Ayon kay DA, katuwang nila sa paghahanda ang Department of Trade and Industry para sa pag roll out ng naturang programa.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel , sa ngayon ay walang patid ang kanilang ginagawang koordinasyon sa iba’t ibang mga market chains sa Food Terminal Inc.
Layon ng hakbang na ito ng ahensya na makapag benta ng mura at bot kayang presyo ng bigas sa mga mamimili.
Tinukoy na ng ahensya ang mga malalaking supermarkets o market chain na kanilang magiging katuwang sa pagbebenta ng murang bigas.
Isinasapinal na rin ng ahensya ang mga usapin hinggil sa credit at logistics ng mga bigas.
Kung maaalala, pumirma ang DA at isang kilalang grocery store para sa isang MOA na layong mapalakas pa ang mga kadiwa store ng Pangulo.