Target ng Department of Agriculture na tapusin ang pagbabakuna sa mga baboy laban sa African swine fever o ASF ngayong taon.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na hahabulin nila ang pagbabakuna ngayong taon para pagsapit ng susunod na taon ay pawang repopulation na ang gagawin o pagpaparami muli ng mga alagang baboy.
Sinabi ni Laurel, kapag bumalik kasi ang kumpiyansa ng mga magbababoy sa pagbabakuna laban sa ASF, magsisimula na naman silang mamuhunan at magparami ng mga alagang baboy hindi lamang ang mga backyard farmers kundi maging commercial livestock farmers.
Sa ngayon aniya ay nasa 7 milyon ang populasyon ng mga alagang baboy, at target na maibalik ito sa dating 14 na milyon sa susunod na taon.
Samantala, ayon kay Laurel target din nilang makumpleto ang pagbili ng kabuuang 600 libong doses ng ASF vaccines sa buwan ng Disyembre o katapusan ng taon.
Inaasahan aniya nilang matatapos na ibakuna ang unang 10 libong doses ng asf vaccines sa katapusan ngayong buwan, habang ang susunod na 450 libong doses ay iaaward sa oktubre, kung saan ang 150 doses ay makukuha nila at ang natitira pa ay makukupleto sa disyembre.