-- Advertisements --

Tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang poultry ban na unang ipinataw sa Japan.

Ito ay naksaad sa inilabas at pinirmahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na Memorandum Order No. 31

Dahil dito, maaari na muling umangkat ang pamahalaan mga poultry products mula sa naturang bansa, kabilang ang karne ng manok, domestic birds, itlog, sisiw, atbpa.

Unang ipinataw ng ahensiya ang pansamantalang poultry ban matapos iulat ng naturang bansa ang pagpositibo sa bird flu ng ilang mga manukan noong November, 2023.

Kamakailan ay iniulat na ng Japan sa World Organization for Animal Health na naresolba na ang problema nito sa bird flu at wala nang natukoy na kaso ng naturang sakit mula pa noong Hunyo-2, 2024.

Nakasaad sa Memo ni Sec. Laurel Jr. na wala nang banta ng kontaminasyon sa mga poultry products na maaaring angkatin ng Pilipinas mula sa Japan, batay na rin sa isinagawang evaluation ng ahensiya.

Batay sa datos ng Bureau of Animal Industry, ang Japan ang isa sa pinakamalaking supplier ng imported meat sa Pilipinas.