-- Advertisements --
Tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawal sa pagbebenta ng mga baboy na galing sa bansang Belgium dahil sa African Swine fever (ASF) outbreak.
Ito ang laman ng memorandum Order 55, 2020 na temporaryong pagtanggal sa pagbabawal sa importation ng mga domestic pigs at produkto kabilang ang mga karne ng baboy at semen na galing sa Belgium.
Nakasaad sa nasabing memorandum na naapektuhan lamang ng ASF sa mga bansa sa Europa ay yung mga wild boars base na rin sa ginawang ulat ng Belgium sa World Organisations for Animal Health.
Dahil dito ay idineklarang ASF Free na ang Belgium.
Magugunitang noong Oktubre 2018 ng ipagbawal ng DA ang pag-angkat ng mga karne ng baboy sa Belgium dahi lsa ASF outbreak sa bansa.