-- Advertisements --
PALENGKE

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi magkukulang ang mga agricultural commodities pagdating ng Christmas holiday season.

Kabilang dito ang bigas, baboy, asukal at manok kung saan aniya ay magkakaroon ng sapat na suplay hanggang sa katapusan ng taon, ayon kay Assistant Secretary Arnel de Mesa, tagapagsalita ng DA.

Binanggit nito na para sa bigas, nakatakdang maabot ng bansa ang pinakamataas nitong produksyon na 20 milyong metriko tonelada, dahil sa mas magandang kondisyon ng panahon noong nakaraang taon.

Idinagdag niya na kasunod ng panahon ng pag-aani ngayong Nobyembre at ang mga kamakailang pag-import, makakamit ng DA ang 90-day national stock inventory sa 2024.

Para naman sa baboy at manok, binanggit niya na ang lokal na produksyon at ilang pag-import ay titiyakin na matutugunan ng suplay ang demand, na posibilidad na tumaas sa bakasyon.

Samantala, sinabi ni De Mesa na ibibigay ng bagong Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang kanyang marching order sa departamento bukas.
.