Siniguro ng Department of Agriculture (DA) ang pagtutok sa sitwasyon ng mga magsasaka sa ilang bahagi ng bansa na naapektuhan ng mga malalakas na pag-ulan at biglaang mga pagbaha.
Maalalang naapektuhan ng Southwest Monsoon at Low Pressure Area ang ilang rehiyon sa bansa na nagdulot ng mga pagbaha sa mga sakahan.
Kabilang sa mga inaasahan ng DA – DRRM Operations Center ay ang mga probinsya sa MIMAROPA Region at Zamboanga Peninsula, batay na rin sa mga inisyal na report ng mga regional office ng ahensiya.
Kasabay ng mga naunang pag-ulan ay binuksan ng DA ang DRRM Operations Center nito, kasama ang monitoring sa aktwal na sitwasyon sa field para makagawa ng damage report sa mga apektadong sakahan at palaisdaan.
Nakapaglagay na rin umano ang ahensiya ng mga punla ng mais, palay, at mga high value crops.
Maliban dito ay naka-preposisyon din ng mga gamot at iba pang medical needs ng mga alagang hayop.
Ang mga naturang gamot, ayon sa DA, ay nakalagay sa mga ligtas na lugar malayo sa mga pagbaha at pag-ulan, at maaaring ipamahagi upang magamit ng mga mangingisda.
Tiniyak din ng ahensiya ang tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan nito sa mga LGU at national government upang matutukan ang agarang pagbibigay-tulong sa mga biktima ng kalamidad.
Bukas naman ang hotline ng DRRM Operations center para sa mga magsasakang nagnanais magpaabot ng mga problema: (02) 8929-0140 / 0966-7987044.
Samantala, batay sa inilabas na ulat ng DA ay mayroong kabuuang to 514,504 na ektarya ng mga sakahan sa bansa na nasa maaaring maapektuhan ng mga kalamidad dahil sa mga pananim.
Ito ay binubuo ng 282,295 ektarya ng palay at 232,209 ektarya ng mais.
Malaking bahagi ng mga palayan (79.66%) ay mayroong maliliit pa lamang na pananim habang 13% naman ang nasa maturity stage na.
Para sa mais, 75% nito ay pawang maliliit pa lamang habang 3% lamang ang nasa maturing stage.