Tiniyak ng Department of Agriculture na sasapat pa rin ang iuuwing kita ng mga lokal na magsasaka sa bansa kasunod ng pagpapatupad nito ng P35 per kilo na bentahan ng NFA rice.
Ito ang naging tugon ng ahensya sa naging panawagan ni House Speaker Martin Romualdez na tiyaking hindi ma aagrabyado ang mga magsasaka.
Pangunahing layunin ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng National Food Authority na tiyakin ang food security ng bansa.
Ayon kay Romualdez, kailangang matiyak na patas at sapat na kita ng mga magsasaka ng sa gayon ay maipagpatuloy nito ang kanilang lokal na produksyon ng bigas.
Iginiit rin ng leader ng Kamara ang pangangailangang mabalanse ang kapakanan ng mga mamimili at magsasaka.
Malaki rin aniya ang maitutulong kung mapapanatili sa mataas ang farm gate price ng nga inaning produkto habang mababa naman ang presyo nito pagdating sa mga merkado.
Kaugnay nito ay nangako ang leader ng Kamara na patuloy nilang babantayan ang mga polisiya at pag-aralan ang mga kinakailangang interbensyon.