CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang tulong sa mga nasiraan ng pananim dahil nagdaang bagyong Tisoy at ang naging dulot pagbaha sa region 2 .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kalihim William Dar ng DA sa kanyang pagbisita sa Isabela, sinabi niya na nakaprepositioned na ang mga binhi na mais, palay at gulay na ibibigay umano ng DA region 2 sa mga magsasaka sakaling nanaisin na nilang magtanim.
Nakalagay na umano sa mga istratihikong lugar ang mga nasabing binhi na handa na para sa distribusyon.
Maliban dito ay maaari na rin umanong magpahiram ang kagawaran sa mga magsasaka ng capital sa mababang interest ng 2 percent per annum.
Maliban sa Isabela at Cagayan na isa sa mga pangunahin nagtala ng pinsala sa agrikultura ay mayroon na rin nakahandang tulong mula sa DA sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Tisoy sa bansa.
Samantala, pa ng kalihim na malaking tulong ang pagkakaroon ng early warning system upang hindi gaanong lumobo ang pinsalang iniwan ng bagyong Tisoy sa agrikultura sa bansa.
Ayon pa kay Secretary Dar, bago tumama ang bagyo ay nasabihan na ang mga magsasaka na anihin na ang mga maaaring anihin upang maiwasan itong masira.
Sa kabuoan ay umabot halos 2 billion pesos ang halaga ng mga naisalbang ani ng mga magsasaka sa p dahil sa pag-aani ng mas maaga.
Umabot naman sa humigit kumulang 3.5 billion pesos ang naiwang pinsala ng bagyong Tisoy sa larangan ng agrikultura sa buong bansa.