Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang tulong sa mga magsasaka na naapektuhan sa pananalasa ng nagdaang bagyong Kabayan.
Una rito ay pinatitiyak ng kagawaran sa mga regional offices nito na imonitor ang kalagayan ng mga magsasaka at mga pananim sa mga lugar na apektado ng naturang kalamidad.
Ayon sa DA, patuloy nang ginagawa ang pag-consolidate ng mga report mula sa mga local offices nito, situationer report, at lawak ng pinsala sa mga sakahang apektado.
Tiniyak din ng ahensiya ang patuloy na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan na apektado sa naturang kalamidad, upang direktang mamonitor ang kalagayan ng mga magsasaka.
Batay sa naunang inilabas na datus ng DA, marami pa ang standing crops sa mga lugar na dinaanan ng naturang bagyo. kabilang dito ang mga rehiyon ng MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, at Caraga.
May kabuuang 625,963 na ektarya ng mga pananim ang hindi pa naaani sa mga naturang rehiyon, na kinabibilangan ng 424, 673 ektarya ng palayan at 201,290 ektarya ng maisan.
Hinimok naman ng ahensiya ang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa mga LGU o sa mga local offices nito at ireport ang pinsala sa kanilang mga taniman.