Umarangkada na ngayon araw ang gobyerno sa pagbebenta ng murang bigas sa mga merkado sa ilalim ng Rice-for-All program ng Department of Agriculture.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, hindi malulugi ang pamahalaan dahil sa pagbebenta nito ng ₱40per kilo na bigas.
Pinalawak pa ngayong araw ang pagbebenta ng murang bigas sa mga merkado sa Pilipinas.
Naka istasyon ang kanilang mga murang bigas sa mga istasyon ng tren at palengke sa Metro Manila.
Paliwanag pa ng opisyal na aabot lamang sa ₱37-₱38 ang kuha ng Food Terminal Inc para sa bigas kayat kayang-kaya naibenta ito sa ₱40 per kilo.
Kabilang sa mga ibinebentang bigas ay mga lokal at inangkat sa ibang bansa.
Tiniyak rin nito na sa kabila ng murang presyo ng bigas ay nananatili pa rin itong may kalidad.