-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang bansa ngayong ‘Holiday’ season.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Deogracias Victor Savellano na inaasahan nila ngayong ‘Ber’ months ay tumataas ang mga demand ng mga karne ng manok, baboy at itlog.

Kapag mayroong sapat na suplay ng mga produkto ay hindi na ikakabahala ang pagtaas ng presyo ng mga ito.

Aminado ito na hindi makontrol ng ahensiya ang pagtaas ng mga retail prices ng agri products basta ang pagtitiyak niya ay nagkakaroon ng steady ang supply.