KORONADAL CITY – Tiniyak ng Department of Agriculture Region 12 na sapat ang karne ng baboy sa buong rehiyon kahit na mag-aangkat pa ang Luzon.
Ito ang pinasiguro ni Department of Agriculture Regional Director Arlan Mangelen sa panayam ng Bombo radyo Koronadal.
Ayon kay Mangelen, sinimulan na ng Rehiyon 12 na magpadala ng baboy sa Luzon areas, bunsod na din ng kakulangan ng suplay ng karne ng baboy.
Ang hakbang na ito ng ahensiya ay suportado rin ng mga magbababoy sa South Cotabato, General Santos at probinsya ng North Cotabato.
Dagdag pa ng opisyal, pinili umano ang mga karne ng baboy na nanggaling sa Rehiyon 12 dahil sa African swine fever free ang rehiyon.
Kasabay nito, ipinangako naman ng DA-12 na magpapadala ng aabot sa 20,000 mga baboy sa loob lamang ng dalawang buwan
Sa ganitong pamamaraan, matutulungan ng DA ang pagbaba ng presyo ng karne ng baboy na pa tuloy na tumataas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.