-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa publiko na nananatiling under control ang mga napaulat na bird flu outbreak sa ilag duck at quail farm sa ilang lalawigan sa Luzon.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa pakikipagtulungan ng DA sa Bureau of Animal Industry, regional field offices, at Deaprtment of Health ay napapanatili nilang kontrolado ang nasabing virus.

Magpapatupad din ng biosafety protocols ang kagawaran upang mapanitili rin ang epektibong containment ng avian influenza virus.

Samantala, nakapagtala naman ang World Organization for Animal Health (OIE) ng mga bagong outbreak ng bird flu sa Bataan, Camarines Sur, Laguna, Nueva Ecija, at Tarlac.

Habang kumpirmado naman na mayroon nang kaso ng H5N1 sa Sultan Kudarat at Benguet.

Sinasabing ang iligal na paggalaw ng mga nahawang migratory o resident wild birds mula sa mga lugar na tinamaan ng H5N1 ay posibleng pinagmulan ng impeksyon sa dito.