Tiniyak ni Agriculture Sec. William Dar na hindi matatapos ang taon na ito ay mabibigyan ng sapat na ayuda ang mga apektadong magsasaka sa problema sa agrikultura, kabilang na ang pagbaba ng presyo kada kilo ng palay kasunod nang pagsasabatas ng Rice Tariffication Law (RTL).
Sa budget briefing sa Kamara, sinabi ni Dar na kinokonsidera niya ngayon ang rekomendasyon kamakailan ni Albay Rep. Joey Salceda na igiit ang Republic Act 8800 o ang Safeguards Measures Act.
Sa paggiit ng batas na ito ay maaring moto propio ipataw ni Dar ang 30 percent provisional rate sa loob ng isang taon para sa mga rice imports na lagpas sa 350,000 metric tons na Minimum Access Volume, at bukod pa sa 35 percent na taripang itinatakda ng RTL.
“After provisional measure, TC approval is needed for a more permanent measure which could last for a maximum of 10 years,” ani Salceda.
Nabatid na sa first quarter ng taon tumaas ng 26 percent ang rice imports sa bansa, at lalo pang sumirit ng hanggang 1,492 percent sa second quarter.
Dahil dito sa pagdami ng pumpasok sa bansa na imported rice, sinabi ni Salceda na bumaba ng 16 percent ang presyo ng palay, na ipinapangakong aaksyunan ng DA.
I”t does not matter whether the surge is before or after or due to RTL. R.A. 8800 is based the fact that there is a surge there is injury caused by the surge,” saad nito.