Tinukoy ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang rekomendasyon ng mababang kapulungan na magdeklara ng isang “rice emergency” ay isang positibong paraan para maibaba ang mga presyo ng bigas sa merkado.
Kung idedeklara man ito, aniya maaaring ibenta ng National Food Authority (NFA) ang buffer stock nito sa publiko sa mas mababang presyo para mapagaan ang isyu na ito.
Dagdag pa ni Laurel, magandang kilos ang pagdedeklara ng rice emergency lalo na kung ang buffer stock ng NFA ay pumapalo sa 6 milyong sako ng bigas na siyang mapapakinabangan ng publiko.
Samantala, ito ay maituturing na isa ring stratehiya para matarget ang mga profiteers na siyang nakikinabang sa mga pagtaas ng presyo sa bigas.
Aniya ito ay isang magandang paraan kung saan papasakitin nila ang bulsa ng mga ito nang maibaba pa ang mga presyo ng bigas sa merkado.