Kasalukuyang nakaalerto ngayon ang Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management Section para sa mga posibleng epekto ng naging pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa mga lokal na magsasaka.
Sa isang pahayag, inihayag ng departamento na kasalukuyang wala pa namang naitatalang mga danyos at losses sa agrikultural partikular na sa sektor ng pagsasaka at maging sa fisheries sector.
Ayon sa ahensya, nagsasagwa na ang kanilang taggapan ng close monitoring sa mga kondisyon ng mga sektor na ito para sa detection ng potential impacts ng Kanlaon.
Kasama sa mga sususriin at tinitignang mabuti ng ahensya sa ngayon ay ang waterways at irrigation systems sa mga bahaging ito para sa mga posibleng kontaminasyon.
Samantala, nakapagtalaga na rin ang ahensya ng Livestock Rescue Vehicle sa mga apektadong lugar at dalhin sa DA Negros Occidental Research Outreach Startion sa La Carlota City bilang magsisisilbing evacuation centers ng mga livestock mula sa malalapit na lokal na pamahalaan.