-- Advertisements --

Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na makakamit nila ang record high sa palay at rice production ngayong taon.

Ayon sa DA na target nilang makamit ang 20.46 milyon na metric tons ngayong 2025.

Ang nasabing bilang ay mas mataas noong 2023 na mayroong 20.06 milyon metric tons.

Dagdag pa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na malaki ang paniniwala nila na makakamit ito matapos na maibalik ang P10-bilyon na dagdag na pondo para sa rice programs.

Sa nasabing pamamaraanay maipapatupad ng ahensiya ang iba’t-ibang paraan para makamit ang target.