Dinagdagan ng Department of Agriculture (DA) ang alokasyon para sa vulnerable sector na siyang benepisyaryo ng Kadiwa ng Pangulo program na siyang nagbebenta ng P29/kilo na bigas.
Kabilang sa sektor na ito ay ang mga senior citizens, persons with disability, solo parents, at mga indigents ang mga inidibidwal na prayoridad na benepisyaryo ng naturang programa kung saan ang mga bigas na ibinebenta ay batay pa rin sa inisyatibo ng National Food Authority (NFA) na mamahagi mula sa buffer stocks nito.
Inanunsyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang bagong polisiya na ito ay agad na ipapatupad sa lahat ng lugar sa buong bansa.
Aniya, ito ay para mas makapamili ang publiko hng mga mas abot-kayang mga pagkain at basic commodities partikular na ang bigas.
Samantala, inaasahan naman na dahil sa inisyatibong ito ay masosolusyunan ang mga hinaing ng merkado hinggil sa mga matataas na presyo ng bilihin sa mga pamilihan.