-- Advertisements --
May inihahandang tulong ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka ng Pangasinan at Nueva Ecija na mayroong labis na suplay ng kamatis.
Sinabi ni DA spokesperson Arnel de Mesa, na dapat ay makipag-ugnayan ang mga magsasaka sa mga local na agricultural at regional office para tulungan silang madala sa palengke ang mga kamatis.
Ilan sa mga paraan dito ay mahahanapan sila ng mga pagbabagsakang palengke o maibenta ito sa mga Kadiwa market ang mga kamatis.
Gumagawa ng paraan ang DA para maitayo na ang cold storage at ng hindi masayang ang mga agricultural products.
Magugunitang maraming mga magsasaka sa Pangasinan at Nueva Ecija ang itinatapon na lamang ang mga sobrang kamatis dahil hindi na ito naibebenta.