-- Advertisements --
image 734

Muling pinaalalahanan ni DA Undersecretary Domingo F. Panganiban ang National Food Authority na panatilihin ang sapat na buffer stock ng bigas sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Usec Panganiban na kailangang matiyak ng NFA na may maayos at sapat na supply ng bigas para sa mga Pilipino, sa likod ng ibat ibang prblema na bumabalot sa food security ng bansa.

Ayon kay Panganiban, napanatili ng NFA ang maayos na serbisyo nito sa pamamagitan ng paghahanap ng pinakamagandang solusyon sa problema ng bansa ukol sa food security, at umaasang mamementene ito ng ahensiya.

Kasabay nito ay hinimok din ng DA ang pamunuan ng NFA na pangunahan ang pagbuo ng mag programa para sa NFA Modernization Program.

Ayon naman kay NFA Administrator Roderico Bioco, dodoblehin pa ng NFA ang effort nito para sa mga kliyente, 24/7.

Pagtitiyak ng opisyal, kayang-kaya nilang maabot ang matatag na buffer stock ng bigas sa bansa, kasama ang mother agency na Kagawaran ng Pagsasaka.