-- Advertisements --
Wala pang naitalang aktibong kaso ng Q fever sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) na maglalabas sila ng mga ulat ng mga Q fevers sa mga imported na kambing.
Ang Q fever ay siang zoonotic disease mula sa Coxiella burnetti bacteria na ito ay naililipat sa tao sa pamamagitan ng direct contact sa mga infected na animals.
Magugunitang noong Hunyo 21 ng kumpirmahin din ng DA ang unang kaso ng Q fever sa bansa matapos ang confirmatory test sa mga kambing na dumating sa bansa na galing sa US noong Enero.
Sinabi naman ni DA Assistant Secretary Arnel De Mesa na wala ng naitalang dagdag na Q fever matapos ang ginawa nilang depopulation ng 94 na mga imported na kambing mula sa mga malalayong farms ng Pampanga at Marinduque.