-- Advertisements --

Magpapatuloy ang mahigpit na screening sa mga mga pantalan at border, sa kabila ng ulat na wala pang nakapasok na bagong African swine fever na nakapasok sa bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang dating ASF pa pa rin ang nakuha mula sa mga sample na kinolekta ng kanilang mga eksperto.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Noel Reyes na hindi makakapasok ang bagong strain na nagmula sa China dahil mahigpit na ipinagbabawal ang fresh at frozen meat, canned processed pork at canned pork products mula sa naturang bansa.

Sinasabing nakuha ang bagong strain sa China mula sa hindi rehistradong bakuna kontra sa sakit.

Pinaniniwalaan din na maaaring kumapit ito sa frozen meat at maging sa mga de lata.