KALIBO, Aklan—Nakipagpulong ang Department of Agriculture – Western Visayas (DA-WV) sa pagpanguna ni Regional Executive Director Dennis R. Arpia, kasama ang mga regional coordinators, focal persons mula sa iba’t ibang banner programs, and operating units gayundin mga special project coordinators kay Aklan governor Jose Enrique Miraflores.
Tinalakay sa nasabing pulong ang mga inisyatibo at proyekto may kaugnay sa pagpapaunlad ng agrikultura sa buong lalawigan ng Aklan.
Nagpahayag rin ng suporta sa Department of Agriculture ang nasabing gobernador sa mga interesadong programa na inilahad ng ahensya na kinabibilangan ng agricultural development, sustainability and economic growth.
Dumalo din sa pulong sina Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, Provincial Agriculturist Engr. Alexys Apolonio, Provincial Veterinarian Dr. Ma. Cyrosa Leen Mabel Siñel, at Emmanuel Russia Soviet dela Cruz.