-- Advertisements --
NPA arms firearms explosives AFP

TACLOBAN CITY – Aabot sa 215 magkakaibang klase ng baril at bomba ang narekober sa isinagawang operasyon ng militar na sabay-sabay namang sinira ng 8th Infantry Division ng Philippine Army.

Ang mga armas at explosives ay mula sa mga dating rebelde na sumuko sa militar.

Ayon kay Lt. Gen. Gilbert Gapay, commanding general ng Philippine Army, ang naturang pagwasak sa mga narekober na armas ay tinatawag na demilitarization na naglalayong hindi na magamit pa ang mga ito at hindi na maibenta sa black market.

Naniniwala naman ang nasabing opisyal na mas humina ang pwersa sa ngayon ng mga rebelde dahil sa Executive Order No. 70 ni Presidente Rodrigo Duterte o ang tinatawag na whole of nation approach sa pagsugpo sa communist insurgency sa bansa.

Magpapatuloy naman umano ang isinasagawang demilitarization operation ng mga militar upang maabot ang zero insurgency hindi lang sa Eastern Visayas kundi sa buong bansa.