-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Umabot na sa 12 barangay sa san Manuel, Isabela ang apektado ng African Swine Fever ( ASF) .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Manuel Faustino Dy, sinabi niya na sa kabuoang 19 barangay ng San Manuel ay 12 barangay na ang naapektuhan ng ASF.
Dahil dito, umabot na rin sa 800 baboy ang namatay sa kanilang bayan.
Gayunman ay hindi pa sila nagsasagawa ng culling dahil hinihintay pa nila ang resulta ng blood test ng mga baboy na kinunan ng blood samples.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela para sa pagbibigay ng ayuda sa mga naakpektuhan.