CAUAYAN CITY- Nasabat ng mga kasapi ng Provincial Environment and Natural Resources ang daan daang board feet ng iligal na pinutol na kahoy sa Brgy. Bintacan, Ilagan City.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nakatanggap ng impormasyon ang mga kasapi ng Provincial task force may kaugnayan sa umano’y nagaganap na water logging sa nabanggit na lugar.
Kaagad nagsagawa ng operasyon ang nasabing tanggapan na nagresulta upang matagumpay na masabat ang mahigit 800 board feet ng red lauan.
Batay sa pagsisiyasat ng Provincial Task Force, maaring ibinaba ang mga kahoy para ideliver at ibenta ang mga Ito.
Ayon sa Provincial Task Force, nagawang makaalis sa nabanggit na lugar ang mga illegal loggers matapos matunugan ang paparating na mga otoridad
Patuloy ang isinasagawang monitoring ng PENRO at iba pang mga ahensiya para sa patuloy na kampanya laban sa talamak na iligal na pamumutol ng kahoy sa Ilagan City.