LAOAG CITY – Aabot sa mahigit 400 na doses ng mga vaccines ang nasira at nasayang matapos masunog ang ikalawang palapag ng Rural Health Unit sa bayan ng San Nicolas sa Ilocos Norte.
Ayon kay Fire Inspector Reynold Aguinaldo, ang fire marshal ng Bureau of Protection (BFP) sa nasabing bayan, mismong storage facility ng health center kung saan nakaimbak ang mga bakuna laban sa COVID-19 ang nasunog.
Sinabi nito na base sa inisyal na imbestigasyon ay posibleng may nasira sa linya ng koryente o ang linya patungong refrigerator.
Nabatid na tumagal ng 30 minuto ang sunog bago naapula ng mga bombero ang apoy.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng BFP hinggil sa sunog.
Samantala, maraming mga residente sa lalawigan ang nalungkot dahil sa nasayang na bakuna lalo’t limitado pa ang dumarating na suplay sa Ilocos Norte.