-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang inimbestigahan ng Butuan City Central Fire Station ang kabuu-ang danyos sa pagka-abo ng tatlong mga boarding houses at apat na mga business establishments habang partially burnt naman ang isang car wash establishment.

Ito’y matapos ang naganap na sunog kaninang pasado alas-kwatro n,g madaling araw sa Purok 4, Brgy. Ampayon nitong lungsod ng Butuan na nadeklarang fire out pasado alas-5:40 na ng umaga.

Ayon kay acting city fire marshal Fire Sr. Insp. Ronald Vasquez, umabot sa 2,000-square feet ang kabuu-ang floor area na nilamon ng apoy at malaki ang kanyang pasasalamat na walang nasugatan sa pangyayari sa kabila na mahimbing silang natutulog nang sumiklab ang apoy sa boarding house umano ni Reynaldo Sumilat.

Samantala, walang nabitbit na mga gamit ang karamihan sa mga estudyante ng Caraga State University (CSU) matapos ma-abo ang kanilang inuupahang boarding houses dahil sa biglaang pangyayari.

Ayon kay Shirley Jane Namuwag, residente sa bayan ng Las Nieves, Agusan del Norte at graduating na sa Caraga State University, iilang mga gamit lang ang kanyang nadala nungit kasama sa na-abo ang kanyang mga dokumento gaya ng iba pa niyang mga ka-board mates.

Habang inihayag naman ni Pierre Villa, may-ari ng isa sa mga boarding houses, muntikan na silang masama sa nasunog nilang bahay dahil sa himbing ng kanilang tulog kung kaya’t wala silang nadalang mga gamit.