Daan-daang gusali na sa Gaza ang pinabagsak ng nagpapatuloy na airstrikes ng Israeli Forces ayon sa mga rescuers sa naturang lugar.
Ang naturang bilang ay naitala tatlong linggo ng magsimula ang pinakamadugong giyera sa kasaysayan ng bansa sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas.
Hinikayat naman ng isang politiko mula sa Turkey ang Israel na itigil na ang isinasagawa nitong pag-atake.
Ginawa ni Recep Tayyip Erdogan ang panawagan kasunod ng mga ulat na ini-snubbed umano ng gobyerno ng Israel ang mga pamilya ng mga bihag na hawak ng Hamas tuwing humihingi ito ng update tungkol sa kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Kung maaalala, Oktubre 7 ng kasalukuyang taon ng lumusob ang militanteng hamas sa Gaza Strip na ikinamatay ng aabot sa 1400 na katao at karamihan dito ay mga sibilyan.
Batay sa datos ay aabot sa 220 na katao ang hawak nitong bihag.
Dahil dito ay kaagad na nagsagawa ng airstrike ang Israel Forces sa Gaza upang mapuksa ang mga militanteng Hamas.
Ang aksyong ito ng Israel ay naging sanhi ng pagkamatay ng aabot naman sa 7,703 na sibilyan habang ang 3,500 sa kanila ay mga bata.