Nananatili pa ring lubog sa tubig-baha ang daan-daang mga kabahayan sa Northern Luzon, ilang araw mula nang manalasa ang ST Pepito.
Ngayong araw(Nov. 19), maraming mga bayan at syudad sa Northern Luzon ang nag-ulat na lubog pa rin sa baha ang maraming komyunidad.
Kabilang dito ang ilang mga barangay sa Ilagan City, Cauayan City, Tuguegarao City, at mga bayan na na dinadaanan ng Cagayan River.
Bagaman nakabalik na ang maraming mga lumikas sa kani-kanilang mga bahay, nananatili naman sa evacuation center ang maraming residente.
Nasa loob pa rin ng 304 evacuation center ang kabuuang 18,638 katao na katumbas ng 5,615 pamilya.
Mahigit 42,000 katao naman ang nakikitira pansamantala sa kanilang mga kaibigan at mga kakilala.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development(DSWD), limang probinsya sa Cagayan Valley ang apektado ng pagbaha at ito ay binubuo ng kabuuang 1,433 barangay.