-- Advertisements --
image 71

Nakumpikas ang nasa mahigit 300 kahon ng expired na karne mula sa isang storage facility sa Tondo, Manila.

Nasamsam ng mga kawani mula sa Department of Agriculture, Philippine Coast Guard, at Regional Special Operations Group ng National Capital Region Police Office ang naturang mga produkto matapos na makatanggap ng reports kaugnay sa expired na karne na ibinibenta sa online.

Ayon kay National Meat Inspection Service (NMIS) meat inspector Vener Santos, nanggaling ang mga produktong karne sa Germany na kasalukuyang naka-ban ang mga karne mula doon dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF) kung kayat wala itong pahintulot mula sa Department of Agriculture (DA) at walang certificate of inspection.

Nangangamba ngayon ang mga awtoridad na ilang mga expired na produktong karne ang posibleng naibenta na online lalo na sa gitna ng holiday festivities.

Bagamat hindi mapanganib ang ASF sa tao, naihahawa naman ng tao ang nasabing sakit sa mga baboy.

Ayon pa kay Santos na base sa pag-aaral, maaaring magdulot ng sakit ang hindi magandang kalidad ng karne.

Liban pa dito, nakumpiska din ng mga awtoridad ang kahon-kahon ng expired na beef meat mula Brazil.