CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang buong halaga ng mga paputok na nakumpiska mula sa magkakaibang lugar sa Rehiyon 10.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Police Regional Office (PRO)-10 spokesperson Lt. Col. Mardi Hortillosa na aabot sa 133 na mga kahon ng “Pop-pop fire” ang nakumpiska mula sa Ozamis City.
Nasa dalawang boga naman ang nabawi ng pulisya ng Villanueva Misamis Oriental.
Umabot naman sa limang bundles ng judas belt na 1,000 rounds ang nasamsam ng Opol Municipal Police Station.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga negosyante na nagbebenta ng mga iligal na paputok.
Kung maalala, isang dalawang taong gulang na bata ang nabiktima ng piccolo noong Pasko sa Bukidnon area habang naka-record ng dalawang kaso ng indiscriminate firing ang rehiyon.