Pinangangambahang daan-daang katao ang nabaon ng buhay sa isang theater sa besieged city ng Mariupol matapos ang airstrike ng Russian forces
Matinding napinsala ang naturang gusali ikung saan nagtatago ang daan-daang mga siblyan matapos tamaan ng walang patid na pambobomba ng Russian forces.
Wala pang inilalabas sa ngayon kung may mga nasawi o nasugatan airstrike sa naturang teatro.
Ayon sa Ukrainian foreign ministry maraming sibilyan ang na-trap sa naturang building at inakusahan ang Russia ng pagsasagawa ng war crime.
Itinanggi naman ng Russian defence ministry ang pag-atake sa naturang gusali at inakusahan ang Azov Battallion na isang Ukrainian militia na siyang may kagagawan umano ng pag-atake.
Samantala, nasa 10 katao naman ang napatay ng Russian forces sa northern Ukrainian city ng Chernihiv habang sila ay pumipila para sa kanilang makakain.
Nitong nakalipas na araw sa parehong lugar ng northern Ukraine, limang katao kabilang ang tatlong mga bata ang namatay matapos ang pag-atake ng Russian forces sa residential building ayon pa rin sa pagkumpirma ng ilang emergency officials.