-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Binunot at sinunog ng pinaghalong pwersa ng mga awtoridad ang 250 piraso ng fully grown marijuana plants sa Sitio Legleg, Barangay Palina, Kibungan, Benguet.

Ayon sa Kibungan Municipal Police Station, ang operasyon ay bahagi ng Oplan Weed Wrecker ng pulisya.

Pinangunahan ni Police Col. Lyndon Mencio, Benguet provincial police office director ang operasyon at nakipagtulungan din ang mga kasapi ng Benguet Provincial Drug Enforcement Unit at Benguet Philippine Infantry Batallion.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang 250 piraso ng marijuana plants na naitanim sa loteng may lawak na 50 square meter.

Ayon sa Kibungan MPS, nagkakahalaga ng P50,000 ang mga sinirang iligal na pananim.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matuklasan ang pagkakakilanlan ng marijuna cultivator.